Mag-ingat sa mga pekeng Facebook accounts
July 23, 2024
Napag-alaman namin na kumakalat online ang mga nagpapanggap na mga empleyado ng 1 2 3 Finance Group at nag-aalok ng personal loan nang may hiniginging paunang bayad. Kinukuha ng mga manlolokong ito o “scammer” ang mga larawan at personal na detalye ng aming mga empleyado sa Facebook upang gumuwa ng kanilang sariling mga Facebook o Telegram account para imessage ang aming mga kliyente o bitkima, lalo na ang mga OFWs na kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang ganitong uri ng modus ay tinatawag na "advance-fee" scam.
Nais naming ipaalam sa lahat na ang 1 2 3 Finance Group ay HINDI kailanman hihingi o humihinge sa mga aplikante ng kahit na magkanong halaga ng pera tulad ng "credit assessment fees o service fees" para sa pagproseso ng inyong paghiram ng pera sa 1 2 3 Finance Group. Ang processing fee ay maaring ibawas sa kabuohang perang hiniram ng isang aplikante sa oras na aprobado na ang kanyang aplikasyon.
Pinapayuhan namin ang publiko na mag-ingat sa mga makikitang pekeng Facebook account, page, at grupo na nasa ibaba dahil hindi sila kailanman nauugnay sa aming kumpanya. Huwag pansinin ang mga chat o personal na mensahe mula sa mga account na ito.
Kung kayo man ay namessage na nito, paki- block agad at i-report sa aming Customer Service Team sa 0908-550-0583 o mag-email sa customer.service@123finance.ph.
Para sa lehitimong Facebook Page ng 1 23 Finance Group narito lamang ang link: www.facebook.com/123financecorp.