Mga Senyales ng Advance Fee Scam
August 27, 2024
Bayad muna bago ma-proseso ang loan? Scam 'yan!
Kung ikaw ay inaalok na mag-loan pero nanghihingi muna ng processing fee para sa instant approval ng iyong loan application, huwag maniwala dahil ito ay isang senyales ng panloloko na tinatawag na "advance fee scam."
Ayon sa Securities and Exchange Commission, ang advance fee scam ay isang uri ng modus operandi ng nagpapanggap na registered lending o financing company at karaniwang nag-aalok sa biktima ng malaking halaga ng pera'ng pautang kapalit ng maliit na paunang bayad. Pagkatapos makumbinsi at magbigay ng pera ng biktima, bigla na lamang naglalaho ang scammer.
Paano matukoy at paano maiwasan ito? Narito ang mga sumusunod na palatandaan ng advance-fee scam at ang kaibahan nito sa aming lehitimong proseso.
Sign #1. Scammer na nagpapanggap na Loan Officer ng 1 2 3 Finance Group
Karaniwang nagpo-post ang mga scammers sa mga Facebook Group ng loan offer o lending services gamit ang pangalan ng lehitimong kumpanya.
Kapag ikaw ay nagpakita ng interes, sila ay magpapadala ng pribadong mensahe sa iyong Facebook Messenger para mag-alok ng di umano malaking halaga ng perang pautang. Ang ibang scammer ay sasabihan ang biktima na lumipat sa Telegram o Viber para sumali sa group chats ng iba pang nagpapanggap na borrowers na nakatanggap na di umano ng cash loan mula sa lehitimong kumpanya.
PAGLILINAW: Ang aming mga lehitimong empleyado ay HINDI gumagamit ng kanilang personal na Facebook Messenger upang mag-alok ng mga loan o re-loan. Bukod dito, ang 1 2 3 Finance Group ay HINDI rin gumagamit ng Telegram, Viber, Facebook Group, o anumang ibang messaging group chats para iproseso o isagawa ang mga loan/re-loan na transaksyon.
Sign #2. Kailangan mong magbayad agad ng “processing fee” upang magrantiya ang approval ng iyong loan.
Ipinapangako ng scammer ang instant loan approval kung magbabayad agad ng processing fee. Meron ding ibang scammer na dinadahilan ang pagbabayad mo ng processing fee in advance para magarantiya ang loan approval at ito ay ibabalik o mai-re-refund pagkarelease ng perang hiniram mo.
PAGLILINAW: Ang 1 2 3 Finance Group ay HINDI kailanman hihingi ng advance fee o anumang bayarin bago iproseso ang aplikasyon ng loan. Ang processing fee ay maaaring ibawas mula sa inutang na halaga na matatanggap ng kliyente matapos niyang makumpleto ang proseso ng aplikasyon, kabilang ang pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento.
Sign #3. Bayaran ang “processing fee” sa pamamagitan ng Gcash Express Send
Sasabihin ng scammer na bayaran ang processing fee sa pamamagitan ng Gcash Express Send ngunit ang Gcash account ay hindi ito tugma sa pangalan ng taong kausap mo sa Facebook Messenger o sa iba mang messaging apps gaya ng Telegram, Viber, o Whatsapp.
PAGLILINAW: Walang perang ilalabas o ibabayad ang aming kliyente dahil maaari nilang piliin na ibawas ang processing fee mula sa approved loan amount.
Sign #4. Paraan ng pag-di-disburse ay sa pamamagitan ng GCash o bank transfer
Sasabihin ng mga scammer na ang perang uutangin mo ay i-didisburse sa pamamagitan ng GCash o bank accounts.
PAGLILINAW: Sa kasalukuyan, ibinibigay namin ang perang hiniram ng isang aplikante ng CASH o CHECK, kaya kinakailangan ang personal na pagpunta sa aming opisina kapag aprobado na ang aplikasyon.
Sign #5. Gumagamit ng pressure tactics
Pipilitin kang magbayad agad para ma-i-proseso ang iyong aplikasyon.
Ano ang mabisang gawin?
Kilatisin muna kung lehitimong empleyado ng 1 2 3 Finance ang kausap at huwag magpadala sa kung ano mang magandang alok.
Kung makatagpo ka ng alinman sa nasabing palatandaan, huwag makipag-transaction sa nagpapanggap na loan officer ng aming kumpanya at i-report agad sa aming Customer Service Team ang insidente. Tumawag sa 0908-550-0583 o mag-email sa customer.service@123finance.ph. Maging alisto at huwag magpaloko.